Sugatan ang alkalde ng Lumbaca-Unayan sa Lanao Del Sur matapos pagbabarilin ang kaniyang sasakyan sa Cagayan De Oro City kaninang umaga.
Ayon sa mga otoridad si Mayor Somerado Guro ay sakay ng kaniyang Toyota Hilux pick up kasama ang kaniyang asaa at ilang bodyguards at bumabaybay sa kahabaan ng Zone 2, iponan nang pagbabarilin sila ng mga armadong kalalakihang sakay ng isang motorsiklo.
Kaagad isinugod sa Polymedic Hospital Plaza sa kauswagan ang mga biktima samantalang mabilis na nakatakas ang mga suspek.
Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang siyam na empty shells ng kalibre 45.