Nakaligtas sa pananambang ang alkalde ng Libungan, Cotabato.
Ayon sa report, si Mayor Christopher Amping Cuan ay kabababa lamang ng kaniyang sasakyan nang biglang sumulpot ang isang Toyota Hiace van sakay ang ilang armadong kalalakihan.
Kaagad pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan si Cuan Subalit mabilis siyang nakapagtago sa gilid ng municipal building.
Sa nasabing pamamaril, tinamaan ng ligaw na bala at nasa ligtas namang kalagayan ang isang miyembro ng maintenance team ng lokal na pamahalaan ng Libungan.
Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa lugar subalit bigong mahabol ang mga suspek na tinututukan ng mga otoridad sa mga CCTV sa area.
Tikom naman ang bibig ni Cuan sa posibleng motibo sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Si Cuan ay kasama sa listahan ng narco politicians at nuong 2016 ay sinalakay ang ilan sa kaniyang mga bahay at gasoline station sa bayan ng Kabacan subalit walang nakuhang droga bagamat mayruong nasabat na high powered firearms.