Patay ang alkalde ng Balete, Batangas matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek, 10:30 ng umaga ng Sabado.
Ayon kay Balete, Batangas Philippine National Police (PNP) Information Officer Police Senior Liezel Dimaangal, pinaputukan si Balete Mayor Leovino Joven Hidalgo sa kanyang ulo ng hinihinalang sniper habang nanonood ng liga ng basketball sa covered court ng Barangay Poblacion.
Idineklarang dead on arrival ang alkalde matapos na maisugod pa sa Metro Lipa Medical Center.
Kaugnay nito, bumuo na ng special investigation task group ang Batangas Police Office para tumutok sa imbestigasyon ng kaso ng pagpatay sa alkalde.
By Rianne Briones | With Report from Raoul Esperas / Ron Lozano