Sugatan ang alkalde ng Bongao, Tawi-tawi matapos tambangan ng mga hindi nakilalang salarin sa Zamboanga City, kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Mayor Jasper Que na nagtamo ng mga tama ng bala sa braso at katawan mula pa sa hindi mabatid na kalibre ng baril.
Ayon kay Senior Insp. Helen Galvez, Spokesman ng Zamboanga City Police Office, naganap ang insidente sa barangay baliwasan habang bumibyahe si que mula sa Zamboanga City Airport.
Kasama anya ng akalde ang kanyang driver na kinilala lamang na si adjing at staff na si jurmina hashid mula Zamboanga City Airport nang tambangan ng riding-in-tandem.
Patuloy na inaalam kung may kinalaman sa pulitika ang motibo sa pag-ambush kina Que.
By: Drew Nacino