Patay sa pananambang ang alkalde ng bayan ng Clarin, Misamis Occidental kaninang pasado 2 p.m.
Batay sa impormasyong ipinabatid sa Kampo Crame, nangyari ang pag ambush kay Mayor David Navarro sa M. Velez St. Cebu City.
Patungo sana sa Cebu City Prosecutors Office ang alkalde, sakay ng police van, kasama ang dalawang (2) babae at isang (1) pulis escort nang tambangan ito ng hindi pa matukoy na bilang ng mga salarin sakay din ng isang van.
Ngayong araw kasi nakatakdang i-inquest si Mayor Navarro dahil sa reklamo sa kaniya dahil sa pambubugbog ng isang lalaking masahista sa nabanggit na lungsod.
Sugatan naman ang police escort ni Navarro matapos tamaan ng bala ng baril sa paa at kasalukuyan nang nilalapatan ng paunang lunas sa pagamutan.