Nakatakdang i-protesta ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani – Sayadi ang naging resulta ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Matatandaang nanaig ang yes vote sa syudad pabor para mapabilang sa bubuoing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Sayadi, walang dapat na ipagdiwang sa naging plebesito dahil minanipula ang resulta nito.
Aniya, may mga hawak silang ebidensya na hinarass ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga guro at botante sa polling areas.
Tinukoy din ng alkalde na hindi lamang daan – daan kundi libu – lbiong mga flying voters ang dumayo sa kanilang syudad para ipanalo ang yes vote.