Patay ang alkalde ng General Tinio sa Nueva Ecija matapos itong tambangan sa Cabanatuan City pasado alas-5:00 ng hapon kahapon.
Ayon sa PNP-Region 3 galing si Mayor Ferdinand Bote sa tanggapan ng National Irrigation Administration o NIA sa Cabanatuan City at paglabas nito ng gate ay kaagad pinagbabaril ng suspek ang sinasakyang SUV ng alkalde.
Naisugod pa sa Gallego Hospital si Bote subalit idineklara itong dead on arrival.
Sugatan naman sa pananambang ang driver bodyguard ni Bote na pinatay.isang araw matapos patayin si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang nasa kalagitnaan ng flag raising ceremony sa kanilang city hall.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing pananambang kay Bote.
(Ulat ni Jaymark Dagala)