Nagtamo ng sugat ang kasalukuyang alkalde ng Infanta, Quezon na si Filipina Grace America matapos ang tangkang ambush.
Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, nangyari ang pamamaril habang nasa loob ng sasakyan ang alkalde matapos dumalo sa isang misa.
Agad namang dinala sa Claro M. Recto Memorial Hospital sa nasabing bayan si America dahil sa minor injury at nakatakdang lumipad patungong ospital sa Metro Manila.
Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril. —sa panulat ni Abie Aliño-Angel