Nagbabala ang alkalde ng Kyiv City sa Ukraine sa mga tao na umalis sa lungsod oras na magkaroon ng tuluyang pagkawala ng suplay ng kuryente.
Ayon kay Mayor Vitaly Klitshko na ang pag-target ng russian troops sa mga imprastruktura sa lugar ay maituturing na terorismo at genocide.
Binigyang-diin pa ng alkalde na hindi naman umano kailangan ni Russian President Vladimir putin ang mga Ukrainians kundi nais lamang nito ang teritoryo.
Matatandaang milyon-milyong ukrainian na ang nakararanas ng kawalan ng suplay ng tubig at kuryente dahil sa pag-atake ng Russia.