Patay ang alkalde ng bayan ng Marcos, Ilocos Norte makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin.
Iniinspeksyon ni mayor Arsenio Agustin, animnapu’t isang (61) taon, ang isang maliit na water impounding project sa Barangay Mabuti at pabalik na sana sa kanyang sasakyan nang barilin sa ulo gamit ang M-16 rifle, kahapon.
Patay din sa insidente ang municipal employee na si Mark Valencia, isang backhoe operator na hindi na umabot ng buhay sa ospital.
Bagaman nakaganti ng putok ang mga bodyguard ng biktima, agad namang nakatakas ang gunman.
Matagal na umanong nakatatanggap ng death threats si Agustin na nagbalik bansa mula sa Hawaii, USA noong 2013 upang sumabak sa mayoralty race sa bayan ng Marcos.
Inaalam na ang kung ano ang motibo sa pamamaslang at sino ang posibleng nasa likod nito.
By Drew Nacino
Alkalde ng Marcos, Ilocos Norte patay makaraang pagbabarilin was last modified: June 4th, 2017 by DWIZ 882