Inirekomenda ng lungsod ng Marikina na gawin ang pinalawig na pagbabakuna ng mga menor de edad sa Oktubre 22 sa kanilang sports center.
Ayon sa Alkalde ng lungsod na si Marcelino Teodoro, limitado lamang ang bilang ng mga ospital sa lugar at hindi aniya gaano kalaki.
Sinabi din ni Teodoro na nagsagawa na ng inspeksyon at patunay ang kinatawan ng Department of Health (DOH) sa sports center kung saan nakita na posible itong gamitin bilang vaccination facility.
Samantala, nakikipag-ugnayan na si Teodoro sa University of the Philipppines para sa mga boluntaryong social workers na tutulong sa naturang pagbabakuna.—sa panulat ni Airiam Sancho