Umapela sa pamahalaan si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na agad ipadala sa mga Local Government Unit (LGU) ang COVID-19 vaccines na gagamitin para sa mga pediatric vaccination.
Ito ani Teodoro ay para makapaghanda ang mga LGU sa pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 anyos.
Una rito, ginawa ang pilot vaccination sa mga menor de edad sa walong pampublikong ospital lamang, ngunit kinalaunan ay pinalawig din ito sa 13 pang ospital sa ilalim ng mga LGU.
Gayunman, iminungkahi ng alkalde na higit na isulong ang pagbabakuna sa “general population” lalo’t target ng gobyerno na ibalik nang muli ang face-to-face classes sa bansa.