Iniutos ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong graft at paglabag sa ‘unlawful appointment si Panglao , Bohol Mayor Leonila Montero.
Ang kaso ay nag-ugat matapos na italaga ni Montero ang apat na natalong kandidato bilang consultants sa kanilang bayan isang buwan matapos ang 2013 elections.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, kinuha ni Montero ang serbisyo nina Noel Homarchuelos, Danilo Reyes, Apolinar Fudalan at Fernando Penales ng walang contract of service.
Nabatid rin na pinapa-suweldo ng P25,000 kada buwan ang apat nang walang kaukulang papeles na aprubado ng sangguniang bayan ng Panglao.
Samantala, una nang pinatawan ng tatlong buwang suspension si Montero ng Ombudsman matapos hatulang guilty sa kasong ‘simple misconduct’.
—-