Nagbitiw sa pwesto si Pulupandan, Negros Occidental Mayor Lorenzo Eduardo Mario Antonio Suatengco dahil sa problema sa kalusugan.
Sa kaniyang liham kay Governor Bong Lacson kahapon, inihayag ni Suatengco na hindi na niya magagampanan ang kanyang mga tungkulin bunsod ng iniindang karamdaman.
Ipinagkakatiwala naman ni Suatengco ang kanyang tungkulin sa pinsang si Vice Mayor Miguel Antonio Peña na dati na ring naging alkalde ng bayan na naka-tatlong termino.
Uupo naman bilang bise alkalde ang numero unong konsehal na si Anthony Gerard Suatengco.
Samantala, hindi idinetalye ng nagbitiw na alkalde kung ano ang kanyang sakit.