Tinanghal si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang top performing local chief executive sa Metro Manila ng RP Nation and Development Foundation Incorporated.
Nakalikom si Belmonte ng overall job performance rating na 90%.
Nito lamang nakaraan ay tumanggap naman ang alkalde ng Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government.
Samantala, ang iba pang top performing mayors sa National Capital Region ay sina Along Malapitan ng Caloocan na nakakuha ng 78%, Jeannie Sandoval ng Malabon na may 74%, Vico Sotto ng Pasig City na may 72% at John Rey Tiangco ng Navotas na may 70%. —sa panulat ni Hannah Oledan