Patay ang alkalde ng bayan ng Sto. Niño sa South Cotabato matapos pagbabarilim ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Kinilala ang biktima na si Mayor Pablo Matinong.
Batay sa impormasyon ng Police Regional Office 10, binibisita ni Matinong ang isa sa kanyang infrastructure project sa bahagi ng Purok Libertad, Barangay Poblacion nang barilin ito.
Naisugod pa ang alkalde sa Doctor Lunato Clinic and Hospital pero ideklara na itong dead on arrival.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)