Planong ipatapon ng alkalde ng Tanauan, Batangas ang lahat ng pulis sa kanyang bayan.
Ayon kay mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas, irerekomenda niya ito pag upo na sa puwesto ni incoming president Rodrigo Duterte.
Pinuna ni Halili ang tila pagiging malambot ng hepe ng pulisya ng Tanauan dahil hindi aniya ito sinusunod ng kanyang mga tauhan.
Tinukoy ni Halili ang kawalan ng accomplishment ng pulisya sa Tanauan sa paghuli ng mga sangkot sa illegal drugs at tila ipinaubaya na nila ito sa mayors anti-crime group o mac group.
Nitong Linggo, ilang drug pushers na lalake at babae na naman ang ipinarada ni mayor Halili sa Tanauan bilang mga June bride and groom.
Ayon kay Halili, sa dami ng kanilang nahuhuling sangkot sa illegal drugs ay nagpagawa na sya ng mas malaking kulungan upang mapagkasya ang mga ito.
By: Len Aguirre