Nagluluksa ang buong Belgium sa kalunus-lunos na pagkasawi ng alkalde ng Mouscron na si Alfred Gadenne.
Ito’y makaraang gilitan sa leeg ang 71-taong gulang na alkalde habang isinasara ang isang sementeryo malapit sa kaniyang tahanan na kaniyang nakagawian.
Agad sumuko naman sa mga awtoridad ang 18-anyos na suspek habang may hawak-hawak na cutter kaya’t iniimbestigahan na ito sa paniniwalang paghihinganti ang motibo nito sa krimen.
Dahil dito, idineklara ni Belgian Prime Minister Charles Michel ang day of mourning para kay Mayor Gadenne na anito’y mahal na mahal ng kaniyang nasasakupan.
—-