Nakaligtas sa ambush ang isang alkalde sa Lanao Del Sur, kahapon.
Ayon kay Colonel Madzgani Mukaram ng Lanao Del Sur Police, patungo sana si Masiu, Lanao Del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. sa kanyang tanggapan mula sa Marawi City nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Gata.
Hindi nasaktan ang alkalde ngunit sugatan ang kanyang police escort at dalawang sibilyang kasama nito.
Bumuo na ng special investigation task group ang pulisya para tumutok sa naturang kaso.
Samantala, sinusuyod na ng pulis at militar ang lugar para sa posibleng pag-aresto sa mga salarin.