Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang municipal mayor sa Maguindanao na hinihinalang drug lord.
Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Police Director Sr. Supt. Raul Supiter, ni-raid nila ang isang bahay sa Brgy. Kalawag 1 sa bayan ng Isulan kung saan nasamsam ang umano’y shabu na nagkakakahalaga ng 1.2 million pesos.
Sinasabing target din sa operasyon ang hindi pinangalanang alkalde at ang trusted aide nito pero nakatakas ang mga suspek.
Nadakip naman sa operasyon ang ilang indibidwal kabilang ang may-ari ng bahay na sina Makee Tamondong at Armina Tamondong.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay isa ring dating alkalde sa bayan ng Maguing sa Lanao del Sur ang inaresto sa Cagayan de Oro City kasama ang mister nito na isang army official.
By Jelbert Perdez