Arestado ang alkalde ng Lingig, Surigao del Sur matapos makuha sa bahay nito ang mga armas, pampasabog at droga.
Si Mayor Roberto Luna, Jr. ay inaresto ng mga otoridad sa Barangay Poblacion kung saan nakuha sa kaniya ang colt 45 pistol, magazine na may 9 millimeter caliber ammunition, magazines ng 45 caliber pistol at kg9. rifle grenade at pinatuyong marijuana.
Ipinabatid ni PNP Region 13 Chief Brig. Gen. Gilberto Cruz na nakumpiska rin kay Luna ang P2 million cash na hinihinalang gagamitin sa vote buying dahil nakalagay ang pera sa mga puting envelope na may sample ballots.
Si Luna ay itinuturing ng pulkisya na high value target at kasama sa listahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pulitikong sangkot sa droga.
Ang alkalde ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9516.