Pinayagan nang mabakunahan ang mga Gobernador at Alkalde sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 o high risk areas.
Ito ang kinumpirma ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng League of Provinces of the Philippines na isama sa grupong A1 na priority list ang mga ito.
Sinasabing sa 1,700 governors at mayors sa buong Pilipinas, nasa 400 ang nasa high risk at critical areas o nasa National Capital Region at sa mga karatig-lalawigan nito.
Batay naman sa guidelines sa pagbabakuna, makakatanggap ng AstraZeneca vaccine ang mga senior citizens habang Sinovac kung may edad 18 hanggang 59.