Lalarga na ang all-out-war ng gobyerno kontra illegal gambling.
Ito’y makaraang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 13 upang i-regulate ang issuance ng gambling licenses kabilang ang mga online operation.
Inilabas ang kautusan sa gitna ng 50 Million Peso bribery scandal na kinasasangkutan ng Chinese casino tycoon na si Jack Lam at mga dating opisyal ng Bureau of Immigration.
Sa ilalim ng E.O., pangungunahan ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang pagtugis sa mga gambling syndicate at unlicensed operator.
Makikipag-ugnayan ang dalawang ahensya sa Departments of Justice, Interior and Local Government at Information and Communications Technology sa pagsasagawa ng mga operasyon.
By: Drew Nacino