Itinanggi ni Defense secretary delfin lorenzana na, nais bigyang daan ng pamahalaan ang opensiba ng militar laban sa NPA o New People’s Army.
Ang alegasyon ay nagmula sa pamunuan ng komunistang grupo.
Ayon kay Lorenzana, kung all-out war ang nais ng militar, termination at hindi pagpapaliban lamang ng peace talks ang kanilang hihilingin.
Inamin ni Lorenzana na talagang irerekomenda sana ng AFP ang tatlong buwang pagpapaliban ng peace talks sa komunistang grupo subalit nauna nang nagpahayag ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Layon lamang aniya ng militar na pag-aralan ang stand down agreement ng peace panels at kung paano ba ito ipatutupad.
Wala rin anyang napag-usapang all-out war sa isinagawang briefing ng AFP kundi pagpapatuloy lamang ng kanilang operasyon nitong mga nakalipas na buwan.
—-