Naniniwala ang militar na malaking tulong ang deklarasyon ng all-out-war ng Administrasyong Duterte laban sa N.P.A o New People’s Army.
Ayon kat Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd infantry battalion ng Philippine Army, umabot sa kabuuang isandaan at labing tatlong rebelde na ang sumuko sa militar simula noong buwan ng Mayo ng nakaraang taon.
Kabilang dito ang dalawamput tatlong rebelde mula sa guerilla front at pitumput tatlong panibagong mga sumuko.
Dagdag ni Cabunoc, kasama ring isinusuko ng mga rebelde ang kanilang armas tulad ng M14 riffle, M1 grand rifles, mga short fire arm at pampasabog.
Kasama umano sa mga sumuko ang tumatayong lider ng kilusang rebolusyonaryong barangay.