Muling nanindigan ang Malakaniyang na hindi idideklarang holiday ang All Souls day sa Nobyembre 2, araw ng Lunes.
Ito’y makaraang ulanin ng pakiusap ang Palasyo sa mga netizens dahil sa natapat ng linggo ang tradisyunal na Undas o All Saints Day.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, may sapat na panahon na ang publiko para makabisita sa kanilang mga yumaong ka-anak tulad ng Oktubre 31 at Nobyembre 1 na kapwa natapat sa weekend.
Gayunman, sinabi ni Valte, na bagama’t hindi deklaradong holiday ang Nobyembre 2, wala aniyang magbabago sa pagpapatupad ng seguridad sa unang dalawang araw ng Nobyembre na siyang kinagisnan na ng maraming Filipino.
By: Jaymark Dagala