All systems go na ang pagsisimula ng vaccination program kontra COVID-19 ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos dumating sa bansa ang bakunan kontra COVID-19 ng Sinovac.
Ani Vergeire, bago pa man ang makasaysayang unang pagbabakuna sa bansa ay naipadala na sa pitong prayoridad na ospital sa metro manila ang mga bakuna.
Sa ngayon aniya ay wala namang nakikitang problema sa naging proseso mula sa pagdating hanggang sa paghahatid ng bakuna sa mga ospital.
Kinabibilangan ng pitong ospital ay ang:
-Philippine General Hospital
-Lung Center Of The Philippines
-Veterans Memorial Medical Center
-Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and sanitarium o tala hospital
-PNP
Samantala, inaasahan naman umanong magsisimula anomang araw ngayong linggo ang vaccination program sa Cebu at Davao.