Nag-paalala ang Bulacan Provincial Office sa mga may-ari ng baril dahil sa ipinatupad na gun ban sa Baliwag, Bulacan.
Ito’y upang paghahanda para sa plebesito na isasagawa sa Disyembre 17.
Ayon kay Col. Relly Arnedo, Bulacan Provincial Director, batay sa Commission on Elections (COMELEC) resolution no 10863, epektibo ang Gun Ban hanggang December 24.
Ito ang magiging hakbang anya para seguridad at kaligtasan ng publiko.
Samantala, kabilang sa isasagawang plebisito ang Civic, Professional, Religious, Business, Youth, at iba pang organisasyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla