Hinimok ng iba’t-ibang paaralan sa bansa ang mga magulang na makiisa sa pagsisimula ngayong araw ng maagang pagpaparehistro ng mga estudyante para sa School Year 2021 hanggang 2022.
Ayon sa abiso ng Department of Education (DepEd), ang naturang maagang pagpaparehistro ay dahil sa iba’t-ibang pagbabago sa school calendar.
Layon din nito na matukoy ang bilang ng mga magpaparehistro mag-aaral at masiguro rin na sila’y rehistrado na para sa susunod na school year para sa mga papasok sa kinder maging sa grades 1, 7 at 11.
Habang ang iba pang grade level, gaya ng grades 2 to 6, 8 to 10, at 12 ay ituturing nang pre-registered kaya’t hindi kailangang lumahok sa early registration.
Kasunod nito, nagpaalala ang DepEd sa publiko na asahan na ang pagkakaiba-iba ng mga paraang o mode of registration sa iba’t-ibang rehiyon dahil sa umiiral na restriksyon.