Sinabayan ng kilos protesta ng Alliance of Concerned Health Workers ang Valentine’s Day.
Ito’y upang hilingin sa Department of Labor and Employment o DOLE ang umento sa suweldo ng mga nasa kanilang hanay.
Una rito, nagtipun-tipon ang mga health workers sa harap ng University of Sto. Tomas (UST) sa Espanya at nagmartsa patungong Mendiola kung saan, nagkaroon ng maikling programa.
Bitbit ng mga raliyista ang mga karatula na kulay itim at hugis puso na naglalaman ng kanilang mga panawagan sa pamahalaan na ayusin ang kanilang sektor.
By Jaymark Dagala |With Report from Aya Yupangco
Photo Credit: Alliance of Concerned Health Workers Facebook Account