Nanawagan ang isang kongresista sa Commission on Elections (COMELEC) na gawing doble ang allowance ng libu-libong public school teachers na magbabantay sa 2016 elections.
Ayon kay Buhay Partylist Representative Lito Atienza, dapat itaas sa 8,000 ang sahod ng mga papasok sa guro sa halalan mula sa kasalukuyang P4,000.
Giit ni Atienza, hindi biro ang trabaho ng mga pampublikong guro sa eleksyon dahil bukod sa ilang oras na walang tulog ay nabibiktima pa minsan ng harassment.
By Jelbert Perdez