Labis na ikinatuwa nang Philippine Delegation ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadagdagan ang kanilang allowance para sa Rio Olympics.
Mula sa dating $1,000 dolyar itinaas ng pangulo sa $3,000 dolyar ang matatanggap na allowance ng bawat atleta, habang $5,000 dolyar naman para sa mga coaches o officials.
Paliwanag pa ni Duterte, hindi kailangan na magtipid o magtingi sapagkat paraan din umano ito na maitaas ang morale ng mga atleta.
Biro pa ni Duterte, mula sa sweldo ng kanyang Presidential Security Group kukunin ang pandagdag sa magiging allowance ng Philippine delegation.
Sa send off ceremony na inihanda ng Malacañang sa pangunguna ng Pangulo, binigyan niya nang basbas ang good luck wishes mga Pinoy athletes na pupunta sa Rio.
By Mariboy Ysibido