Suportado ng mga senador ang panukalang hindi na dapat patawan ng buwis ang election honararia at mga allowance na ibinibigay sa mga guro sa kanilang serbisyo sa halalan sa Mayo 9.
Ipinaliwanag ni senator Sherwin Gatchalian na maliit na sukli lamang ito para sa serbisyo at sakripisyo ng mga guro sa araw ng eleksyon.
Malaki aniyang responsibilidad ang nakaatang sa mga guro tuwing halalan bukod pa ang malaking banta na kinakaharap nila.
Sinang-ayunan naman ito ni Ways and Means Chairperson Pia Cayetano at ipinunto na gawain ng mga guro bilang miyembro ng electoral board ay extrang trabaho kaya ang honoraria ay dapat ituring na benepisyo.
Samantala, umaasa naman si senator Koko Pimentel III na makapagbibigay ang awtoridad ng malinaw na panuntunan ukol sa pagbubuwis ng election honoraria.