Umiyak umano si Ateneo Lady Eagles Superstar Allysa Valdez matapos suwayin umano nito ang utos ng Ateneo.
Ayon sa report, nakita umano si Valdez na umiiyak habang kausap ang Ateneo Board Representative to the UAAP na si Ricky Palou matapos talunin ng koponan ni Valdez na PLDT Ultra Fast hitters ang Phil Army sa game 1 kahapon sa Shakey’s season 12 reinforced conference sa San Juan Arena.
Bago pa kasi ang Shakeys V League, pinagbawalan na ng Ateneo si Valdez na maglaro sa nasabing tournament upang maiwasan itong ma-injure bago ang UAAP Womens Volleyball Competition sa Pebrero.
Ayon kay Palou, nais nilang maging mentally and physically ready si Valdez para sa UAAP.
By: Jonathan Andal