Pinalawig muli ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang inaalok na amnesty para sa mga hindi dokumentadong mga dayuhan na nananatili sa nasabing bansa, kabilang na ang mga Pilipino.
Ayon sa POEA o Philippine Overseas Employment Administration, nagsimula ang pagpapalawig ng amnestiya noong Lunes, Setyembre 25 at tatagal hanggang Oktubre 15.
Muling hinikayat naman ng Philippine Embassy sa Riyadh ang mga undocumented Filipinos na samantalihin ang pinalawig na amnesty sa Saudi Arabia.
Sa tala ng DFA, mahigit sa 8,400 na mga Pilipino na ang nakinabang sa 90-day amnesty program ng Saudi Arabia simula nang unang ipatupad ito noong Marso na pinalawig pa noong Hunyo.
—-