Tinanggihan ng kampo ni John Paul Solano ang alok ng gobyerno na legislative immunity at gawin itong state witness sa kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ayon kay Atty. Paterno Esmaquel, abogado ni Solano hindi nila kailangan ng immunity dahil kaya umanong patunayan ng kaniyang kliyente na ito ay inosente sa krimen.
Dagdag pa ni Esmaquel, nakahandang isiwalat ni Solano sa kaniyang sinumpaang salaysay ang lahat ng nalalaman nito hinggil sa pagkamatay ni Atio.
Nauna rito, ipinahayag ng pamilya Castillo na bukas sila sa posibilidad na gawing state witness si Solano taliwas sa nauna nilang desisyon na hindi sila pabor dito.