Dapat samantalahin na ni Communist Leader Jose Maria Sison ang imbitasyon sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi ng Pilipinas upang sila ay makapag-usap.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayroong paniniwala ang Pangulong Duterte na hindi na kontrolado ni Sison ang mga komunista dito sa Pilipinas.
Ang imbitasyon anya sa kanya ng pangulo ay nangangahulugan na kinikilala pa rin sya ng pangulo bilang pinaka-lider ng komunistang grupo.
Iginiit ni Panelo na hindi maaaring i-demand ni Sison na magkita sila ng pangulo sa isang neutral na bansa.