Inakusahan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inalok umano ng tig-P8-M ang mga nahuling suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Nabatid na ang nasabing halaga ay inalok ng isang abogado ng isa sa mga suspek upang bawiin ng mga suspek ang nauna nilang affidavit hinggil sa partisipasyon nila sa pagpaslang kay Degamo at pagturo kay Rep. Arnolfo Teves Jr., bilang mastermind sa asasinasyon.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng NBI sina Marvin Miranda, itinuturo rin na utak sa krimen; Rogelio Antipolo Jr., Winrich Isturis, Joven Javier, Romel Pattaguan, Eulogio Gonyon Jr., John Louie Gonyon, Jhudiel Rivero, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, at Dahniel Lora.
Kumpiyansa naman ang kalihim na hindi nagustuhan ng korte ang pagbawi ng mga suspek sa nauna nilang pag-amin sa krimen makaraang ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanila.