Tinanggihan ng North Korea ang alok ng United States (US) na muling magsagawa ng pag-uusap ngayong Disyembre.
Sa ipinalabas ni North Korean nuclear negotiator Kim Myong Gil, kanyang sinabi na nabigo ang US na magpresenta ng mga bagong pamamaraan sa para sa matagumpay na negosasyon.
Aniya, pawang pampalubag-loob lamang ang inilatag na panukala ng US para maabot ang deadline na magkaroon muli ng pag-uusap ang North Korea at Amerika bago matapos ang taon.
Dagdag ni Kim, kanilang hinihiling na maalis ang mga ipinataw na parusa sa kanilang bansa pero iginiit lamang aniya ng Amerika ang pag-denuclearize muna.
Una nang nabigong magresulta ng positibo ang pulong nina Kim at US Special Representative for North Korea Stephen Beigun sa Stockholm, Sweden noong Oktubre para sa pag-uusap muli nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.