Diskumpiyado ang DOJ o Department of Justice sa hirit na palit ulo ng Maute Terror Group upang mapalaya ang mga hawak nilang bihag kabilang na si fr. Chito Suganob.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, malabo ang nasabing alok ng mga terorista dahil sa wala namang polisiya o sistema ng pamahalaan na nakikipag negosasyon sa mga kalaban ng estado.
Dapat mapanagot ang mag-asawang Cayamora at Farhana Maute na siyang magulang ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute dahil malaki ang pagkakasangkot ng mga ito sa pagsiklab ng gulo sa Marawi.
Una nang hiniling ng teroristang grupo na payag silang mapalaya ang mga hawak nilang bihag kapalit ang kalayaan ng mga inaresto ng pamahalaan kabilang na ang mag-asawang Maute.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Alok na palit ulo ng Maute Group malabo – DOJ was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882