Hindi kinagat ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang alok na palit ulo ng Maute Terror Group upang mapakawalan ang mag-asawang Cayamora at Farhana Maute kapalit ang kalayaan ng mga bihag kabilang na si Fr. Chito Suganob
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, malabong mapagbigyan ang nasabing alok dahil may umiiral na polisya ang pamahalaan na hindi makikipag-negosasyon sa mga terorista
Maliban dito, wala namang kinahaharap na anumang kaso si Fr. Suganob at iba pa nitong kasamahan. Hindi tulad ng naarestong mga magulang ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na may kinahaharap na kasong rebelyon
Una nang nanindigan ang malakaniyang sa pina-iiral no negotiation policy sa mga terorista na itinuturing na banta sa seguridad at kaayusan ng bansa.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Alok na palit ulo ng Maute tinabla ng AFP was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882