Bukas si Senador Loren Legarda sa alok na maging susunod na pinuno ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ayon kay Legarda, bagama’t kanya pang pinag – iisipan ang nasabing posisyon, nais niya munang tapusin ang kanyang tungkulin bilang senador hanggang 2019.
Pag – amin pa ni Legarda, nais niya ding manungkulan sa isang kagawaran na nakatutok sa pagbibigay ng tulong at pangangalaga sa mga mamamayan.
Una nang umugong ang balitang inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Legarda ng puwesto sa DSWD bagama’t wala pang direktang pag – amin mula dito.
Magugunitang tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Judy Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD.
Ang rejection kay Taguiwalo ay inilabas ng CA matapos ang kanilang isinagawang close door executive session.