Naalarma ang Philippine Nurses Association (PNA) sa alok na permanent residency ng New Zealand sa mga Filipino nurse.
Aminado ang PNA na maaaring maapektuhan ang operasyon ng mga pribadong ospital sa Pilipinas sa oras na kumagat ang mga nurse sa nasabing oportunidad.
Ayon kay PNA President Melvin Miranda, kailangang maging balanse sa pagpapadala ng mga nurse sa ibayong-dagat upang hindi mapabayaan ang healthcare system sa Pilipinas.
Magugunitang nagkaroon ng kakulangan sa Healthcare Workers (HWC) noong Oktubre dahil karamihan sa mga ito ay mas mag-abroad para sa mas mataas na suweldo, mas maraming benepisyo at mas magandang working condition.
Samantala,idinagdag ni Miranda na ang mga bagong nurse na nakapasa sa katatapos lamang na nursing licensure examination noong isang buwan ay maaaring maging solusyon sa kakulangan ng HCW sa bansa. – sa panulat ni Hannah Oledan