Tinanggap na ng Pilipinas ang alok ng Vietnam at Thailand na mag-supply ng bigas sa National Food Authority.
Ayon sa N.F.A., isasagawa sa susunod na linggo ang official announcement para sa bids.
Pansamantalang ipinatigil ang bidding upang payagan ang Special Bids and Awards Committee ng NFA na talakayin ang mga alok ng Thailand at Vietnam.
Magugunitang ipinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitasyon sa rice importation simula nang suspendihin ang distribusyon ng N.F.A. rice bunsod ng mababang buffer stock na resulta ng re-allocations para sa mga calamity victim at iba pang emergencies.