Welcome kay Senador Sherwin Gatchalian ang alok na tulong ng Amerika kay Vice President Leni Robredo para mas mapabuti pa ang kampanya ng gobyerno kontra ilegal na droga.
Matatandaang kahapon ay nagkaroon ng pagpupulong si Robredo at ilang opisyal ng Estados Unidos para ilatag ang estado ng pagtutulungan ng Amerika at Pilipnas pagdating sa ‘war on drugs’.
Ayon kay Gatchalian, maaring makibahagi ang Amerika sa pamamagitan ng pagtulong nito sa intelligence gathering, capability building at rehabilitation efforts.
Ngunit paglilinaw ni Gatchalian, limitado lamang ang magiging pagkilos ng Amerika dahil hindi ito maaring makialam sa mismong enforcement o operasyon.
’Yung paglunsad ng isang operation, dapat sa atin lang ‘yan dahil internal activity natin ‘yan, internal situation natin ‘yan, at parte ‘yan ng ating soberenya at walang bansang puwedeng makialam d’yan,” ani Gatchalian. — sa panayam ng Ratsada Balita