Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ni Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari na tulong upang labanan ang Maute-ISIS Group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Pangulong Duterte, dalawanlibong (2,000) tauhan ang inialok ni Misuari bilang karagdagang pwersa katuwang ng militar sa paglaban sa mga terorista.
Maaari anyang maging integree o umanib sa Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga MNLF fighter na tutulong sa operasyon ng militar.
Inihayag ng Pangulo na bukas din ang administrasyon sa maaaring ialok na tulong ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Bukod sa MNLF at MILF, handa rin anyang maging bahagi ng operasyon kontra Maute-ISIS ang New People’s Army o NPA sa kabila ng pag-atras ng pamahalaan sa 5th round ng peace negotiations noong isang linggo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte