Welcome para sa isang senador ang resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na tumulong sa bansa na tumugon sa isyu ng karapatang pantao o human rights lalo na sa laban ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ani Sendor Christopher ‘Bong’ Go, ang resolusyon ay daan para sa mas malalimang pagtutulungan sa bansa para tuluyan nang matuldukan ang problema sa droga.
Mababatid na ang UNHRC resolution ay panukala ng iba’t-ibang bansa gaya ng Pilipinas, Nepal, India, maging ang iba pang hindi miyembro ng UNHRC.
Sa ilalim ng resolusyon, nanawagan ito kay UN Rights Chief Michelle Bachelet na magbigay ng suporta sa pamahalaan ng pilipinas na patuloy na ipatupad ang pandaigdigang obligasyon nito para sa karapatang pantao.
Pagtutuunan ng pamunuan ng UNHRC ang domestic investigative at accountability measures, pagkalap ng datos hinggil sa mga paglabag ng mga kapulisan, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang grupo at ahensya.