Tinanggihan ng Pilipinas ang alok ng Canada na hakutin ang basurang itinapon nito sa bansa pabalik ng Ottawa sa katapusan ng Hunyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi papayag ang Pangulong Rodrigo Duterte sa alok ng Canada lalo nat ipinag utos na nito ang pagbalik ng mga nasabing basura.
Iginiit ni Panelo na hindi hahayaan ng gobyerno na maging tambakan ng basura ng Pilipinas.
Una nang inihayag ng Environment and Climate Change Canada na sa katapusan pa ng Hunyo makukumpleto ang pagkuha sa basura na nasa 103 containers at pumasok sa bansa sa mga taong 2013 at 2014.