Nakakainsulto para kay Sen. Imee Marcos ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagpapadala ng mas maraming Pinoy nurse at health worker sa United Kingdom at Germany kapalit ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Marcos dapat nang tigilan ang walang saysay na ito na plano ng ahensya.
Sa halip aniya ang dapat gawin ng gobyerno ay ibili sila ng bakuna kontra COVID-19.
Isang UK top diplomat ang nagsabi na hindi sila papasok sa kasunduan sa Pilipinas na nagpapahintulot na magpadala ng mga Pinoy nurse at healthcare workers kapalit ng COVID-19 vaccines
Una rito, inalmahan, kinuwestyun at ikinadismaya nina Minority Leader Franklin Drilon at Senate Committee on labor Chairman , Senator Joel Villanueva ang naturang alok ng DOLE.