Nakatanggap umano ng formal offers si Kai Sotto mula sa mga NCAA Division 1 universities at colleges.
Gayunman, tinanggihan ito ni Sotto dahil mas gusto niyang sumabak sa NBA G League.
Sa isang conference call, kinumpirma ng manager ni Sotto na si Patty Scott na nakapagpasya na ang Pinoy basketball player na pumasok sa G League upang maabot niya ang kanyang pangarap na makarating sa NBA.